Yellow warning nakataas sa Batangas; Metro Manila, marami pang kalapit na lalawigan makararanas pa rin ng malakas na pag-ulan

Patuloy na makararanas ng malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan sa susunod na mga oras.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 26, yellow warning ang nakataas sa Batangas.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon.

Ang pag-ulan ay dulot ng Typhoon Quinta.

Pinapayuhan ang mga residente na imonitor ang ang lagay ng panahon at mag-antabay sa mga abisong inilalabas ng PAGASA.

 

 

 

Read more...