Poe, nanguna pa rin sa latest SWS survey

presidential debateLamang pa rin si Senator Grace Poe sa latest Social Weather Stations (SWS) survey.

Isinagawa ang survey March 4 hanggang 7 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,800 na mga respondents na pawang mga botante.

Sa nasabing survey, nakakuha si Poe ng 27% na mas mataas ng tatlong puntos kumpara noong nakaraang buwan, si Vice President Jejomar Binay ay nakakuha ng 24% o limang puntos na pagbaba, si LP bet Mar Roxas ay 22% na may four points na pagtaas, si Mayor Rodrigo Duterte naman ay nakakuha ng 21% na mayroong three points na pagbaba, habang nanatili naman sa 4% si Senator Miriam Defensor-Santiago.

Ayon kay Political Analyst, Prof. Edmund Tayao, isinagawa ang survey matapos ang unang presidential debate na isinagawa sa Cagayan de Oro City noong February 21 kaya maaring isa ito sa naging basehan ng mga respondents.

Lumitaw ayon kay Tayao na mas nagustuhan ng publiko ang performance nina Poe at Roxas sa nasabing debate dahil kapwa sila nakakuha ng pagtaas ng puntos.

Inaasahan naman ni Tayao na posibleng tataas pa ang ratings ni Poe sa mga susunod pang survey matapos ang pasya ng Korte Suprema na nagsasabing siya ay kwalipikadong tumakbo sa presidential elections.

Read more...