Umabot na sa 34 ang nasawi sa suicide car bomb sa central Ankara sa Turkey.
Nasa 125 ang sugatan sa nasabing pagsabog kung saan 19 sa kanila ay pawang nasa kritikal na kondisyon.
Naganap ang pagsabog sa bus stop malapit sa Kizilay square na itinuturing na ikalawang major attack sa Turkish capital sa loob lamang ng halos isang buwan.
Noon lamang February 17 isang pagsabog din ang naganap sa Ankara kung saan 29 ang nasawi.
Ang February 17 bombing ay inako ng Kurdish rebels na Kurdistan Workers’ Party (PKK).
Ayon naman sa isang Turkish government official, posibleng ang Kurdish militants pa rin ang responsible sa panibagong pambobomba.
MOST READ
LATEST STORIES