Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 50,422

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (October 25, 3:00 PM) nakapagtala ng 195 na bagong kaso kaya pumalo na sa 50,422 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 13,301
Laguna – 14,633
Batangas -9,022
Rizal – 10,141
Quezon – 3,325

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 10,687.

Nasa 38,464 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 30 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 8,765
Laguna – 12,650
Batangas – 7,396
Rizal – 7,759
Quezon – 1,894

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 3 kaya umabot na sa 1,271 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 295
Laguna – 293
Batangas – 245
Rizal – 343
Quezon – 95

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...