Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 9,223

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, October 23) , nadagdagan ng 84 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 9,223.

Sa nasabing bilang 750 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nasa 360 kung saan 6 ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 10,333 na.

Read more...