356 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

Umabot sa 356 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Sabado ng hapon (October 24), hanggang 5:00, Linggo ng hapon (October 25).

Pinakamaraming nahuling hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 160.

Sumunod dito ang mga lumabag sa curfew na umabot sa 190 kung saan 103 ang adult habang 87 ang menor de edad.

Wala namang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, tatlo ang nahuling umiinom, dalawa ang naninigarilyo habang isa sa iba pang ordinansa.

Read more...