32 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Aabot sa 32 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Linggo ng gabi (October 25), 7,029 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 596 ang aktibo pang kaso.

30 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 6,411 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 22 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...