Publiko, hinimok ng Palasyo na paigtingin pa ang bayanihan sa gitna ng COVID-19 pandemic

Hinihimok ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang publiko na paigtingin pa ang diwa ng bayanihan habang kinakaharap ang pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Andanar, dapat sumunod sa health protocols at BIDA Solusyon campaign ng pamahalaan na naglalayong bigyan ng sapat na impormasyon ang publiko para makaiwas sa COVID-19.

“Bakit mahalaga ang maging “Bida Solusyon”? Dahil ang tagumpay natin sa paglaban sa COVID-19 ay nakasalalay sa bawat isa. Kapag sumusunod tayo sa panuntunan, walang problema at makatutulong ka pa para maiwasan ang pagkalat ng sakit [Why is BIDA Solusyon important? Because the success in our fight against COVID-19 relies on each one of us. When we follow the guidelines set, there will be no problem and you can also help prevent the spread of COVID-19],” pahayag ni Andanar.

Ibig sabihin ng #BIDASolusyon (Be The Solution) ay  B para sa Bawal walang mask; I para I-sanitize ang mga kamay, iwas hawak sa mga bagay; D para Dumistansya ng isang metro; at A para Alamin ang totoong impormasyon.

“Likas na sa mga Pilipino ang spirit of bayanihan, kaya sana ipakita natin ang bayanihan sa pagtugon sa COVID-19. Kailangan natin ang malakas, magkakatugma, at sama-samang pagtugon upang labanan ang virus na ito [The spirit of bayanihan is so inherent among Filipinos, so I hope we can show bayanihan in our COVID-19 response.  We need a strong, coordinated, and collective response to fight this virus],” dagdag ng kalihim.

Hinihikayat ni Andanar ang lahat na panatilihin ang mainam na pag-uugali at mga kasanayan na naka-angkla sa BIDA Solusyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Read more...