Metro Manila at ilang sa Luzon, patuloy na uulanin

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:07 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Tarlac, Bulacan, Rizal, Bataan at Batangas.

Maaapektuhan din ang San Felipe, San Narciso at San Marcelino sa Zambales; General Mamerto Trinidad, Talavera, Rizal at Llanera sa Nueva Ecija.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...