Ilang kalsada, isinara sa mga motorista dahil sa landslides

Pansamantalang isinara ang ilang kalsada sa Cagayan.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2, ito ay bunsod ng landslides at flashfloods.

Apektado ang mga sumusunod na kalsada:
– Manila North Road, Cadcadir Kabugao Road, Jct. Dibalio Luzon, Claveria
– Sta. Praxedes, Cagayan boundary road

Sinabi ng kagawaran na nag-deploy na ng maintenance crew at equipment para sa nagpapatuloy na clearing operations.

Read more...