Lightning Red Alert, itinaas sa NAIA

(UPDATED) Naglabas ng lightning advisory ang PAGASA sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Sabado ng hapon (October 24).

Itinaas ang Lightning Red Alert sa NAIA bandang 1:56 ng hapon.

Nakaranas kasi ng malakas na buhos ng ulan sa bahagi ng naturang paliparan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang airport operations para sa kaligtasan ng mga crew ng NAIA.

Bandang 2:45 ng hapon, ibinaba na sa yellow ang lightning alert.

Bunsod nito, balik na sa normal ang operasyon sa naturang paliparan.

Read more...