117 vendors sa isang sementeryo sa Cebu City, nakatanggap ng 25 kilo ng bigas

Photo credit: Mayor Edgar Labella/Facebook

Namahagi ang Cebu City government ng bigas sa ilang vendor sa isang barangay.

Sa Facebook post ni Mayor Edgar Labella, tig-25 kilo ng bigas ang ibinigay sa 117 vendors sa Barangay Carreta Public Cemetery.

Sinabi ng alkalde na lubos na apektado ang candle vendors ng pagsasara ng mga sementeryo sa darating na Undas alinsunod sa quarantine restrictions para sa COVID-19.

Ipinamahagi ang mga bigas sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Services.

Photo credit: Mayor Edgar Labella/Facebook
Read more...