NCR at lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 12:53 ng tanghali, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Batangas, Laguna, Cavite, Pampanga at Bataan.

Maaapektuhan din ang Metro Manila partikular sa Caloocan at Quezon City; San Rafael, Bulacan; Tanay at Antipolo, Rizal; Sampaloc at Lucban, Quezon.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...