NLEX Road Warriors nakuryente sa Meralco Bolts, 101-92

Nabalewala ang 30 puntos ni Kiefer Ravena nang talunin ang NLEX Road Warriors ng Meralco Bolts sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup sa AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.

Nagtulong sina Chris Newsome (18 puntos) at Allein Maliksi (17 puntos) para ibigay sa Bolts ang kanilang ikatlong panalo sa kasalukuyang bubble competition.

Dahil naman sa kanilang pagkatalo bumagsak sa 1-4 ang tropa ni Coach Yeng Guiao.

Sinabi ni Bolts coach Normal Black malaking tulong ang pagbabalik ni 6-8 Raymond Almazan sa kanilang line up mula sa injury.

Nakapag-ambag ng 11 puntos si Almazan at humugot ng siyam na rebound.

Samantala, kinapos ang produksyon nina Kevin Alas (10 puntos) at JR Quinahan (6 puntos).

Sa kanilang unang panalo, malaki ang ambag nina Alas at Quinahan.

Read more...