Bilin ni Sen. Go sa mga ahensiya ng gobyerno: Tuparin ang mga pangako!

Nais ni Senator Christopher Go na sa ikinakasang ‘whole-of-government approach’ sa pagpapatupad ng Bayanihan to Recover as One Act dapat ay tuparin ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang mga pangako sa mamamayan.

“Importante na klaro sa mga ahensya ng gobyerno ang mga responsibilidad at mandato nilang dapat gampanan. Lalo na ngayong krisis, siguraduhin dapat na maibigay ang serbisyo na dapat matanggap ng mga tao ayon sa kung ano ang nakasaad sa batas, tulad ng Bayanihan 2,” sabi ng senador.

Binanggit nito ang madalas na paalala ni Pangulong Duterte na ang lahat ay dapat may isang salita dahil ang tiwala at buhay ng taumbayan ang nakasalalay.

Bagamat aniya binigyan ng Bayanihan 2 ng kapangyarihan ang Punong Ehekutibo na dumiskarte sa pagharap sa pandemiya kailangan din na kumilos ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Banggit ni Go may 21 ahensiya ng gobyerno ang kumikilos para sa pagbangon ng bansa mula sa nararanasang pandemiya at kabilang ang mga may mahahalagang responsibilidad, ang DOH, DOLE, DSWD at DTI.

Read more...