Pagkakaroon ng committee chairmanship ng taga-minorya sa Kamara igigiit

Nais ng Minorya sa Kamara na magkaroon ng representasyon sa ilang mga mahahalagang komite sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Minority Leader Joseph Stephen Paduano, makikipagpulong sila kay House Speaker Lord Allan Velasco para idulog ang kanilang kagustuhan na pamunuan ang ilang mga komite upang para mas epektibo ang kanilang pagiging fiscalizer sa Kamara.

Partikular na nais makuha ng minorya ang Chairmanship sa House Committee on Public Accounts na kasalukuyang pinamumunuan ngayon ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor.

Kung tutuusin anya ay noon pa man ay nakatalaga na ang public accounts sa Minorya na naging isang tradisyon na sa Kamara.

Kahit aniya ang dating Minority Leader na si Manila Rep. Bienvenido Abante ay kinausap noon tungkol dito si dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Bukod sa public accounts ay itinutulak din ni Paduano na mabigyan ang Minorya kahit ng Vice-Chairmanship sa Committee on Ethics and Privileges.

Read more...