Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III at aniya ang inirekomenda niyang kalsada na kilalanin bilang FPJ Avenue ay ang Roosevelt Avenue.
Aniya ipinarating na niya ang kanyang rekomendasyon kina Sen. Lito Lapid, ang naghain ng panukala at kay Sen. Manny Pacquiao, ang namumuno sa Committee on Public Works at nag-apruba sa panukala.
Katuwiran ni Sotto pinili niya ang Roosevelt Avenue dahil nasa lugar ang ancestral house ng tinaguriang Da King sa entertainment industry at doon na rin ito lumaki.
Dagdag pa nito mas malaki ang Roosevelt Avenue kumpara sa del Monte Avenue.
Nabatid na isang Fr. Cielo Almazan ang sumulat kay Lapid at ipinarating ang kanilang pagtutol sa panukala sa paliwanag na ang San Francisco del Monte ay ang tagong lugar na itinatag noong February 17, 1590 ng misyonaryong pransiskanong si Fray Pedro Bautista bilang parangal kay San Francisco.
Ayon kay Sotto siya na ang magsusulong ng pag-amyenda sa panukala kapag ito ay umabot na sa plenaryo ng Senado.