Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 21,944 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Biyernes (October 23).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,313 o katumbas ng anim na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
20,012 o 91 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 616 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,381 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES