Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa buong mundo nadagdagan pa ng halos 6,000 pa

Umabot na sa 1,141,590 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 228,276.

Umabot naman na sa mahigit 155,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 117,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 87,400.

Umabot naman na sa mahigit 31.1 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 9.6 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 228,276
Brazil – 155,962
India – 117,336
Mexico – 87,415
UK – 44,347
Italy – 36,968
Spain – 34,521
Peru – 33,984
France – 34,210
Iran – 31,650

 

 

Read more...