Pasig River Ferry balik na sa partial operations

Simula ngayong araw (Oct. 23) ay balik na sa operasyon ang Pasig River Ferry.

Ilang araw na hindi nakabiyahe ang Pasig River Ferry dahil sa bagyong Pepito at dahil sa pagdami ng water hyacinth sa Ilog Pasig.

Sa abiso ng MMDA, partial muna ang magiging biyahe ng Pasig Ferry sa pagbabalik operasyon nito ngayong araw.

Ang biyahe ay mula Pinagbuhatan sa Pasig City hanggang Sta. Ana sa Maynila lamang at pabalik.

Ang iba kasing ruta ng ferry ay mayroon pa ring mga water hyacinth.

Kabilang sa operational ferry stations ay ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Hulo, Valenzuela at Sta. Ana.

 

 

 

Read more...