Cell sites ng Globe upgraded na sa bagong 4G LTE-ready

Nitong nakaraang buwan ng Setyembre, sinabi ng Globe na may 7,780 cellsites na ang natapos ma-upgrade sa 4G LTE.

Ang 4G LTE ay makabagong teknolohiya na makakapagbigay ng mas mabilis na internet connection sa mga kasalukuyang gumagamit ng mobile data.

Nagsagawa ng network upgrade ang Globe sa Bulacan at Cavite, habang patuloy pa rin ang mga upgrade sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa pagtatayo naman ng mga bagong towers or cellsites, ang Globe ay nakapagtayo na ng 593 cellsites mula Enero hanggang Setyembre.

Ang pagtatayo ng bagong cellsites ay upang mapabilis din ang internet connectivity sa bansa at makahabol tayo sa mga karatig bansa na may mas mabilis na internet experience.

Ayon sa Globe, ang mga cell sites ay itinayo sa mga lugar kung saan mahina o walang signal tulad ng Davao Oriental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, Bukidnon, South Cotabato, Maguindanao, Davao Oriental, Isabela.

Ilocos Sur, Catanduanes, Marinduque, Southern Leyte, Capiz, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Metro Manila at Rizal.

 

Read more...