Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ang lindol ay naitala sa layong 52 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, 8:14 ng umaga ng Biyernes, Oct. 23.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 26 kilometers.

Sinabi ng Phivolcs na ang pagyanig ay aftershock ng tumamang magnitude 5.7 na lindol sa Surigao del Sur noong Sept. 21.

Wala naman naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...