LOOK: P40M na halaga ng River Control Project sa Zamboanga del Norte nakumpleto na

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 426.30-meter river control structure na bumabaybay sa Barangays Malayal at Lintangan bayan ng Sibuco, Zamboanga Del Norte.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, dahil sa nakumpleto nang proyekto mapoprotektahan na ang mga residente sa lugar sa sandaling tumaas ang water level sa ilog.

Ginastusan ng P40 million ang naturang flood control project na kinapalooban ng earthworks, driving of steel sheet piles at konstrukyong ng revetment.

Nagsimula ang konstruksyon noong Pebrero at nakumpleto sa loob lang ng walong buwan.

 

 

 

Read more...