Fabella Hospital sa Maynila hindi muna tatanggap ng pasyente

Hindi na muna tatanggap ng mga bagong pasyente ang Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.

Simula ngayong araw, pinapayuhan ang mga buntis na pasyente na sa ibang ospital muna magpunta.

Ayon sa pamunuan ng ospital, mayroon silang mga doktor na tinamaan ng COVID-19.

Isasailalim sa swab test ang lahat ng kanilang healthcare workers.

Patuloy namang kakalingain ang mga kasalukyang pasyente na naka-admit sa ospital.

Muli na lamang maglalabas ng abiso ang Fabella Hospital kung kailan magreresume sa pagtanggap ng pasyente.

 

 

 

Read more...