Ito ay dahil sa pagkakaroon pa rin ng pandemic ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, sa unang pagkakataon hindi idaraos ang Traslacion sa Enero para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa sakit na COVID-19.
Taun-taong dinadagsa ng milyun-milyong deboto ang Traslacion kaya kung hindi ito kakanselahin ay maaring maging dahilan ng paglaganap ng sakit.
“Nakikisuyo po ako, iwasan po muna natin ang mga parada at prusisyon ngayong may pandemya dulot ng sakit na COVID-19. Maaari pong mapahamak ang ating mga deboto, mailagay sila sa alanganin,” ayon sa alcalde.
Sinabi naman ni Quiapo Church rector Monsignor Hernando Coronel na maging angunang napagkasunduan na ituloy ang pagdadala ng andas sa Luneta mula sa Quiapo Church ay hindi na itutuloy.
“Nagpapasalamat kami sa pagkakataon na narinig ang aming presentasyon para sa Traslacion 2021, at ang mangyayari, napagkasunduan ay hindi matutuloy ‘yung Luneta to Quiapo na may andas na prusisyon. Hindi po matutuloy iyon,” ani Coronel.
Magsasagawa na lamang aniya ng mga misa sa Enero 9 at ilalagay ang mga bikaryo sa canopy sa labas ng simbahan.