Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag
Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 191.70 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (October 23) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 191.57 meters.
Bahagya ring nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.06 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 101.01 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan din na nasa 79.24 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.20 meters.
Samantala, ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque at Pantabangan ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.