Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 47 kilometers southeast ng bayan ng Don Marcelino, alas-4:10 madaling araw ng Biyernes (October 23).

May lalim na 139 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...