Basco, Batanes niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 116 kilometers southeast ng bayan ng Basco, alas-3:47 madaling araw ng Biyernes (October 23).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...