Trough ng bagyong Pepito magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon; LPA papasok na sa bansa ngayong araw

Nakatakda nang pumasok sa bansa ngayong araw ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,145 kilometers east ng Mindanao o halos nasa boundary na ng bansa.

Ngayong araw ay papasok ito ng Philippine Area of Responsibility at mayroong potensyal na maging ganap na bagyo.

Samantala, ang bagyong may international name na Saudel na dating bagyong Pepito ay huli namang namataan sa layong 520 kilometers west ng Northern Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers bawat oras.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang trough ng Typhoon Saudel ay maghahatid pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.

Localized thunderstorms naman ang iira; sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

Nakataas ang gale warning sa baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:

Batanes
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Zambales
Bataan
Occidental Mindoro kanilang ang Lubang Island
Western coast ng Batangas
Palawan

 

 

 

 

 

Read more...