Bataan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa lalawigan ng Bataan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Biyernes, Oct 23. light to moderate na pag-ulan ang mararanasan sa Bataan sa susunod na mga oras.

Samantala, mahina hanggagn katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang nararanasan na sa Zambales.

Ang pag-ulan ay dulot ng trough ng Typhoon Saudel na dating si Bagyong Pepito.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

 

Read more...