Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,198 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (October 22), 6,151 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 876 o 14.24 porsyento ang aktibong kaso.
Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 5,216 o 84.80 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 58 naman ang mga residenteng nasawi o 0.94 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES