Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (October 22), umabot na sa 1,790 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 545 ang aktibo pang kaso.
80 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 1,221 na ang total recoveries sa Baguio City habang 24 na ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,348 ang aktibo habang 3,131 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 14,157 na residente habang 19,434 ang nakatapos na.
MOST READ
LATEST STORIES