2 patay 3 sugatan sa pamamaril sa Cavite City

 

Mula sa google maps

Dalawa ang patay kabilang na ang isang 16-anyos na binatilyo samantalang tatlo pa ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Cavite City Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Aladin Tamayo, hepe ng Cavite City Police ang nasawing biktima na si Barry Barzaga, isang construction worker, Carvin Enriquez, menor de edad na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman sa pamamaril ang tatlo pang biktimang nakilalang sina Anna Carolina, Diesamine Custodio, Amador Labrica, isang tricycle driver.

Naganap ang pamamaril dakong alas-2:30 ng madaling-araw Linggo sa Bgy. Caridad, Cavite City.

Diumano, lulan ng van ang mga armadong suspek nang paputukan ang grupo ng mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na ang biktimang si Barzaga ang target ng mga suspek at nadamay lamang ang iba pang mga biktima sa pamamaril.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigayon ang Cavite City police upang matukoy ang motibo ng mga suspek krimen.

Read more...