Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Huwebes, October 22, 3:30 PM), umabot na sa 329 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 20 bagong kaso.
Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 4,861 kung saan 30 ang bagong naitala.
Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 170.
Umabot naman na sa 5,360 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Ang bilang ng probable ay 3 habang 1,422 naman ang suspected cases.
READ NEXT
Panukala upang Secretary of Finance na ang gawing Chairman of the Board ng PhilHealth, ipinamamadali sa Kamara
MOST READ
LATEST STORIES