Sa ilalim nito, binibigyang mandato ang National Telecommunications Commission (NTC) na obligahin ang ISPs at Public Telecommunications Entities (PTEs) na magbigay ng minimum download speed na 10 Mbps para sa lahat ng broadband internet access, ito man ay mobile, fixed, or fixed wireless internet.
Para makasunod ang ISPs at PTEs sa hinihinging minimum speed ay kailangang i-modify o ayusin ang mga linya ng telekomunikasyon o kaya ay palawigin ang mga imprastraktura para makapagpatakbo ng mas mataas na bandwidth capacity na ibabatay sa bilang ng mga subscribers na gumagamit ng kanilang serbisyo.
Sa oras na maging ganap na batas ay mahaharap sa multang P5 milyon ang alinmang ISP o PTE na hindi makakasunod sa minimum standards ng internet connection.
Ang panawagan ng kongresista ay kasunod na rin ng ulat kamakailan na dalawang magkapatid sa Bohol ang nasawi matapos makuryente habang inaayos ang kanilang internet device na gagamitin para sa online class.
Ang naganap na trahedya aniya ay indikasyon na kailangan na ng mas mabilis at mas maayos na internet service sa bansa lalo pa ngayon na nakadepende ang mga estudyante sa internet para sa kanilang pag-aaral.