Pagsasagawa ng kilos protesta iwasan muna – Malakanyang

Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa mga raliyista na iwasan na muna ang pagsasagawa ng mga kilos protesta.

Ito ay para matiyak na makaiiwas sa sakit na COVID-19.

Nagsagawa ng malawakang kilos protesta kahapon sa Mendiola, Maynila ang militanteng grupo para kondenahin ang hindi maayos na pagtrato ng gobyerno sa political prisoner na si Reina Mae Nasino

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, panahon pa ng COVID ngayon kung kaya nais lamang bg gobyerno na alagaan ang kalusugan ng bawat isa.

“Well, alam ninyo po ang karapatan ng malayang pananalita ay garantiyado po ng ating Saligang Batas. Gayun pa man, ang aking pakiusap lang po, panahon po ng COVID at kahit kayo po ay lumalaban at kalaban ng gobyerno, pinangangalagaan po namin ang inyong kalusugan. So ang pakiusap po, sundin natin, hanggang sampung tao lang po ang pagtitipun-tipon dahil ayaw po namin kayong magkasakit,” pahayag ni Rpque.

Mas makabubuti aniya na huwag na munang magtipon-tipon.

“Maski kayo po ay walang ginawa kung hindi labanan ang gobyerno, Pilipino pa rin po kayo at may obligasyon pa rin kaming isalba kayo kung kayo’y magkakasakit. Make it easier for everyone po, huwag pong magtipun-tipon,” pahayag ni Roque.

Paalala pa ng kalihim hang sampu katao pa Lamang ang pinapayagan na magtipon-tipon.

“Ang sabi ko po hanggang sampu nga lang nga po ang pupuwedeng magtipun-tipon. Ulitin ko po ‘no: 91% of the Filipinos approved ang ginagawa ng ating Presidente, 5% ay undecided, 5% do not approve. So iyong 5% po kabahagi ang mga raliyista, Pilipino pa rin po kayo, obligasyon pa rin naming itaguyod ang inyong kalusugan, huwag pong magtipun-tipon. Ayaw namin kayong ma-COVID,” pahayag ni Roque.

Read more...