Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 165 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-6:10 ng gabi ng Huwebes (October 22).

May lalim na 153 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...