Isa pang quarantine facility ang binuksan ng lokal ng pamahalaan sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nasa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang 66-bed quarantine facility.
Ito na ang ikalabing apat na quarantine facility sa Maynila.
Ayon kay Mayor Isko, ito na ang pinakamalaking quarantine facility na naitayo ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Sinabi pa ni Mayor Isko na pang-world class ang bagong quarantine facility.
Ligtas at komprtavke aniya ang nga naka quarantine at ang mga medical frontliner na sumusuong sa pandemya sa covid 19.
Samantala, sinabi ni Mayor isko na tuloy din ang libreng mass testing at konstrukyon ng nga quarantine facilities sa Maynila dahil ito ang pinaka epektibong paraan para malabanan ang COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES