Voter registration suspendido sa Oct. 31

Suspendido muna ang proseso ng voter registration sa mg tanggapan ng Commission on Elections sa Oct. 31.

Ayon sa abiso ng Comelec ito ay bilang paggunita sa All Saints’ at All Souls’ Day.

Lahat ng tanggapan ng Election Officer sa bansa ay isasara sa nasabing petsa.

Wala ding registration sa Nov. 2 araw ng Lunes.

Magre-resume ang voter registration sa Nov. 3 araw ng Martes.

Simula naman sa Nov. 9, gagawin na lamang mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM to 3PM ang pagpaparehistro.

 

 

 

Read more...