Lawaan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers southeast ng bayan ng Lawaan, alas-3:08 ng hapon ng Huwebes (October 22).

May lalim na 190 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...