Sa statement ni NTC Deputy Commissioner Delilah Deles, sinabi nito na dumaan sa public bidding ang pagbili nila noong 2018 ng 15 Samsung Galaxy S9 phones at 29 Samsung Galaxy S10 Phones noong 2019.
Nasagot na rin aniya ng NTC ang COA observation patungkol dito at iginiit na top-of-the-line products ng Korean tech giant ang nasabing mga smartphones noong panahon na kanilang binili.
Nagkakahalaga aniya ng P49,990 ang bawat isang Galaxy S10 phone, na mayroong memory na 8 gigabytes at internal storage capacity na 128 gigabytes.
Ginamit anya ang mga ito bilang “engineering phones” na para masukat ang ang mga parameter ng systems ng mga telecom providers tulad ng jitter, latency, throughput, blocked calls, drop calls at iba pa.
Magkaiba rin anya ang ginamit na procurement procedure ng NTC-Central Office at NTC-National Capital Region sa pagbili ng mga nasabing smartphones.