Modus sa rice importation nais maimbestigahan ni Sen. Imee Marcos sa Senado

Naghain ng resolusyon si Senator Imee Marcos para maimbestigahan sa Senado ang mga modus ng mga rice importers.

Sinabi ni Marcos ginagamit ng rice importerts ang mga kooperatiba ng magsasaka para hindi na magbayad ng buwis para sa pagpapapasok ng imported rice sa bansa.

Gayundin aniya ang misdeclaration scheme kung saan ang imported white and well milled rice ay idinedeklarang brown rice o broken rice at gagawin na lang animal feed para may diskuwento naman sa buwis.

Sa Bureau of Customs naman nangyayari ang undervaluation ng shipment costs para mabawasan ang taripa, na nagiging daan para bumaba ang nasisingil na buwis na ginagamit pang-subsidiya sa Rice Competitiveness Enhancement Fund.

Banggit ni Marcos ngayon taon umaabot na sa P2.7 bilyon ang hindi nakolektang buwis sa rice importation dahil sa mga modus gamit ang farmers’ cooperatives at Customs Bureau.

Sa kanyang Senate Resolution 549, nais din ni Marcos mabunyag ang pagkakabalik ng 34 sa 43 rice importers na una nang ipina-blacklist ni dating Agriculture Sec. Manny Pinol dahil sa pakikipagsabuwatan sa mga kooperatiba.

 

 

Read more...