Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 191.57 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (October 22) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 190.17 meters.

Bahagya namang nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.01 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 101.01 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.20 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.24 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Caliraya dam.

 

 

Read more...