Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 56,000 pa

Umabot na sa 7.7 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 56,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 7,705,158 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 6.8 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 716,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 700 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 116,653 na.

 

 

Read more...