Iginiit ni Villanueva na hindi niya kukunsintihin ang mga ilegal na gawain ng kanyang mga tauhan.
Sinabi nito na ipauubaya na lang nila sa korte ang paggawad ng desisyon.
Napaulat na limang ahente; Nelson Muchuelas, May Ann Carmelo, Jose Juanites at Cheryl Villaver, ang nahaharap sa contempt of court dahil sa ikinasang pekeng operasyon.
Iniulat na nagkasa ng entrapment operation ang limang ahente ngunit sa lumabas na CCTV footage, nakita na dinampot nila ang drug suspect sa kalsada at kunwaring nagsagawa ng buy-bust operation.
Sabit din sa kaso sina Sheila Catada, isang opisyal ng barangay at ang tumayong media representative na si Juditho Fabillar.