Naitalang COVID-19 cases sa Eastern Visayas, 6,057 na

Nadagdagan ng 76 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,014 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (October 21), 6,057 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 834 o 13.77 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 5,164 o 85.26 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 58 naman ang mga residenteng nasawi o 0.96 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...