553 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

Umabot sa 553 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Martes ng hapon (October 20), hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (October 21).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 331 kung saan 145 ang adult habang 186 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 193.

10 naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, 10 rin ang nahuling umiinom habang apat sa iba pang ordinansa.

Read more...