Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ipatutupad ang shutdown mula October 31 hanggang November 2.
Layon nitong bigyang-daan ang isasagawang bushing replacement sa depot at turnout activity sa bahagi ng Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.
Bahagi ng bushing replacement ng 34.5-kilovolt alternating current (kV AC) switch gear ang pagsasayos ng bus tie na nagbibigay ng suplay ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na may 12 bushing unit.
Itutuloy din ang pagsasaayos ng 2A at 2B turnout sections sa Taft Avenue station.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ay bahagi ng massive rehabilitation and maintenance sa buong linya ng tren ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.