NIA, magpapakawala ng tubig sa Magat Dam mamayang 4:00 ng hapon

Naglabas ng abiso ang National Irrigation Administration (NIA) hinggil sa gagawing pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela, Miyerkules ng hapon (October 21).

Ayon sa NIA, ang pagpapakawala ng tubig ay isasagawa bandang 4:00 ng hapon.

Ito ay bunsod ng patuloy na high inflow sa Magat Dam.

Nasa 200 cubic meters per second ang pakakawalang tubig.

Pinayuhan naman ang mga residente na iwasan muna ang pagtawid o pamamalagi sa tabing ilog.

Read more...