Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa buong mundo nadagdagan pa ng 6,000 pa

Umabot na sa 1,129,591 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 226,149.

Umabot naman na sa mahigit 154,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 115,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 86,800.

Umabot naman na sa mahigit 30.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 9.2 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 226,149
Brazil – 154,888
India – 115,950
Mexico – 86,893
UK – 43,967
Italy – 36,705
Spain – 34,210
Peru – 33,875
France – 33,885
Iran – 31,034

 

 

 

Read more...